Isang mahalagang aspeto ng pamamahala ng komunidad ang nalalapit na Eleksyong Pambarangay dahil nagbibigay ito ng paraan para sa mga indibiduwal na gampanan ang mga tungkulin sa pamumuno at magkaroon ng positibo at matibay na epekto sa kanilang komunidad. Gayunman, ang pagkapanalo sa boto ng mga tao ay nangangailangan ng tamang preparasyon at pagpapatupad, na maaaring makuha sa pamamagitan ng komunikasyon at pamamahala sa eleksyon.
Ang epektibong komunikasyon at pamamahala sa eleksyon ay mahalagang parte ng prosesong ito. Para suportahan ang mga kandidato kabilang ang kanilang mga campaign team, ang Capstone-Intel Corporation, isang mapagkatitiwalaang pribadong ahensya ng pananaliksik, ay nag-aalok at magsasawaga ng webinar sa Setyembre 22, 2023 sa pamamagitan ng Zoom.
Ang webinar na ito ay magbibigay ng kaalaman sa modernong estratehiya upang matulungan ang mga kandidato na maipanalo ang kanilang kampanya. Ang sesyon ay partikular na mahalaga sa campaign managers, communication specialists at kandidato sa eleksyong pambarangay na nais masiguro na ang kanilang mga mensahe ay angkop sa mga botante at ang mga pagsisikap ay mas napahuhusay upang maging matagumpay. Sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa mga eksperto sa industriya, magiging mas mahusay ang mga kandidato para makamit ang kanilang mga layunin at mas epektibong mapagsilbihan ang kanilang mga komunidad.
Ang webinar na ito ay magtatampok sa mga respetadong opisyal ng Capstone-Intel. Ang mahuhusay na tagapagsalita ay sina Eero Brillantes, CEO; Atty. Nic Conti, Chief of Public Affairs; Ella Kristina Coronel, Chief Research Specialist; John David Montesa, Social Media Manager; Karl Michael Domingo, Multimedia Manager; Rossano Brillantes, Chief Technology Officer; at Jericho Zafra, Content Creation Specialist.
Sa pagtatapos ng seminar, ang mga partisipante ay magkakaroon ng komprehensibong kaalaman sa pamamahala ng kampanya sa eleksyon gamit ang digital platforms at iba pang epektibong tools.
Ang seminar ay maglalaan ng kaalaman sa kahalagahan ng isang istraktura ng organisasyon para sa pamamahala ng kampanya ng barangay, at kung paano ang magkaroon nito. Gayundin, malalaman din ng mga partisipante ang mga tungkulin ng isang campaign manager, ground operations at ground game, mga komunikasyon sa pananaliksik, at ang pangunahing kahalagahan ng social media.
Saklaw din ng seminar na ito ang pinakabagong mga pag-unlad sa malikhaing kampanya at kung paano magsulat ng mga nakaeengganyong istorya para sa social media. Ito ay upang bigyan ang mga partisipante ng isang hanay ng mga kasanayan at impormasyon na maaari magamit sa mga kampanya sa hinaharap. Ito at marami pang ibang paksa ang tatalakayin sa webinar.
Ang webinar na ito ay makukuha sa pagrerehistro sa mababang halaga para sa partisipante: Gold na P2,000, Bronze na P1,500, at Patron sa P500. Ang bawat isa sa mga ito ay magbibigay ng iba’t ibang saklaw, tulad ng karapatan sa pakikilahok ng dalubhasa sa Q&A, pag-access sa mga pag-record ng video ng pagsasanay, mga training deck at manual, sertipikasyon, at iba pa.
Magrehistro sa: https://www.capstone-intel.com/communication-and-election-management-registration/
Para sa iba pang mga detalye at katanungan, mangyaring makipag-ugnayan kay Bb. Connie Flores sa 09295993831, 09457958099, 09084750294 o mag- email sa info@capstone-intel.com.